Abante Tonite Interactive

Kasalang TonDeng sa “A Love to Last,” pumalo sa bagong all-time high national tv rating

16

Damang dama ang pakikisaya ng mga manonood sa buong bansa sa kasalan nina Anton (Ian Veneracion) at Andeng (Bea Alonzo) matapos pumalo ang naturang episode ng A Love to Last sa panibagong all-time high national TV rating nito noong Biyernes (Hunyo 16) at naging top trending topic pa sa social media.

Kinakiligan ang mga pangyayari sa tinaguriang ‘wedding of a lifetime’ sa telebisyon kaya naman nakakuha ang serye ng national TV rating na 24.3% mula sa pinagsamang urban at rural homes, kum­para sa 12.8% ng kalabang programa, ayon sa datos ng Kantar Media.

Gumagamit ang Kantar Media ng 2,610 na kabahayan sa parehong urban at rural areas sa bansa sa pangangalap nito ng datos.

Mas marami at eksakto kaysa sa service provider ng ibang networks, ang AGB Nielsen, na mayroong 2,000 na kabahayan na nakabase lamang sa mga urban area.

Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga kabahayang may telebis­yon sa Pilipinas, habang umano’y 57% lamang ang kinakatawan ng AGB Nielsen dahil hindi kasama ang rural areas sa datos nito.

Patok din ang kasalan sa netizens na ibinahagi kung paano sila na-touch at na-inspire ng naturang kasalan. Umani ito ng maraming papuri online kaya naman trending sa Twitter ang official hashtag ng programa na #ALTLTheWedding.

“Kudos to ALTL sa pagpapaalala sa amin ng halaga ng pamilya at ng pagpapanatili ng tradisyon. Ang programang ito ay para sa lahat. Marami kaming natututu­nan,” sabi ni @Leanna_Yzabelle.

Sa pagpapatuloy ng kwento ngayong linggo, abangan ang karugtong ng kasal at ang mangyayari pa sa kanilang reception at honeymoon.

Ngayong kasal na sila, anu-ano pa kayang pagsubok ang haharapin ng bagong mag-asawa?

Huwag palalampasin ang A Love to Last pagkatapos ng My Dear Heart sa Primetime Bida sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (Sky ch.167).

Para sa nakalipas na episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWant TV o saskyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.