Abante Tonite Interactive

Kasalang Zsa Zsa – Conrad fake news

By
7,739

Late last year pa kinukulit ng marami ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla kung kailan sila magpapakasal ng boyfriend niyang si Architect Condrad Onglao.

Balitang gusto raw ng boyfriend ni Zsa Zsa na sa Italy sila ikasal.

Pero ayaw raw ito ng singer/actress, nagbiro pa nga noon si Zsa Zsa na gusto niya ay magtanan na lang sila ni Condrad.

Abante Hiring – IT dep

Kaya nang may napabalitang showbiz couple na ikinasal recently, either sina John Lloyd Cruz & Ellen Adarna at Zsa Zsa & Condrad ang naging hula ng karamihan.

Nang solo naming nakapanayam ang anak ng Comedy King na si Mang Dolphy at ni Zsa Zsa na si Zia Quizon, kinuha namin ang reaction niya sa alingasngas na ikinasal na raw ang mommy niya at ang BF nito.

Sagot ng singer na nagpasikat ng kantang Ako Na Lang, “I’d be happy for her and for Tito Conrad. He’s a good man and he makes her happy. Iyon lang naman ang mahihingi ko para sa kanya.

“I don’t know what their plans are din as of the moment, so I can’t really speak for them. Whether they are married or not won’t change how happy our funny little family already is. And for that I am most thankful.”

Pero, speculations lang ba ang balita or fake news ba ‘yun?

Esplika ni Zia, “Well, ‘yun din ang mahirap sa chismis, hindi mo na talaga masabi kung minsan. Either way it isn’t my place to answer questions about her personal life. I don’t know why people are always so fascinated about her personal life in that way.”

Dagdag pa niya, “There are so much more interesting facets to her personality. Women are more than just girlfriends and wives. Which is probably why she is keeping mum about it. Pardon the pun.”