Abante Tonite Interactive

Kasali ba ang pamantasan mo sa Free College Tuition Law?

754

Isang good news na pirmado na ang memo­randum of agreement sa pagpapatupad ng Free College Tuition Fee Law na ginawa ng kasalukuyang Kongreso.

Saksi mismo si Pre­sident Rodrigo Duterte sa nangyaring paglagda sa kasunduan sa pagitan ng Commission on Higher Education (CHED) at 112 state universities and colleges (SUC) at 78 local universities and colle­ges (LUC) sa Malacañang Palace noong June 20.

Simula ngayong taon, libre na ang tuition at miscellaneous fee ng sinumang estudyante sa mga naturang SUC o LUC at mayroon pang allowance na P20,000 per semester kung siya ay nagmula sa isang mahirap na pamilya.

Kabilang pati ang mga mag-aaral na kumukuha ng technical-vocation education and trai­ning program sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.

Ang kahirapan ang pinakamalaking hadlang para sa maraming kabataan kung bakit hindi sila nakakapag-college. Patunay rito ang datos ng CHED na hindi na nakapagpapa­tuloy ng pag-aaral ang dalawa sa limang high school graduate dahil na rin sa malaking gastusin sa kolehiyo.

Related Posts

Isang paraan ang Free College Tuition Fee Law upang bigyan ng pagkakataon ang bawat Filipino na maabot ang isang magandang buhay. Ito ang nasa puso at isip namin ng mga kapwa ko mambabatas nang pinag-uusapan pa lang namin sa Kamara ang panukala.

Pangarap ko na noon pa na magkaroon ng college graduate ang bawat pamilyang Marikeño, lalo na ang mga tahanan na may suportang conditio­nal cash transfer. Para sa kanila ang batas na ito.

Ang nakalulungkot, sa kabila ng pagsusumikap ng dalawang kapulungan ng Kongreso na maisabatas ang panukala at paghahagilap ng pondo ni Budget Secretary Ben Diokno, may mga LUC sa Metro Manila at probinsiya ang hindi nag-comply sa requirement na hinihingi ng CHED kaya hindi nakasali sa programa.

Ngayon, imbes na sagot na ng national go­vernment ang tuition at miscellaneous fee ng mga mag-aaral sa mga naitsa-puwerang LUC, ang mga lokal na pamahalaan pa tuloy ang gagastos dito. Tapon lang ang pera kapag ganito. Ginamit na lang sana nila ang pondo sa ibang serbisyo tulad ng pailaw sa barangay o dagdag allowance para sa mga teacher o libreng school uniform ng mga bata.

May ilang lokal na pamahalaan ang nagmalaki at nagsabi pa na kayang-kaya raw nilang tustusan ang kanilang LUC at hindi raw nila kailangan ang ayuda ng Presidente pero malalaman mo na lang, brinaso ang konseho para makapangutang ng ilang bil­yong piso sa bangko. ‘Di ba katawa-tawa?

Kaya ang payo ko sa mga college student, lalo na sa kabataang Marikeño, mag-aral kayong mabuti kasi kapag hawak ninyo na ang inyong diploma, may mapagpipilian kayong trabaho o oportunidad at masusuportahan ninyo na ang inyong pamilya. Hindi rin kayo basta mauuto o matatapakan ng sinumang namumuno at lalakas din ang loob ninyo na panghawakan ang inyong prinsipyo dahil alam ninyong may pupuntahan kayo at hindi lang nakaasa sa awa ng nakaupo.