Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kasambahay ay mga duwende

0 320

Mga ka-Misteryo, kayo ba ay nakaranas na maging kasambahay ay mga duwende? Baka may mga gamit kayong biglang nawawala pagkatapos ay lumilitaw na lang kung hindi mo na hinahanap, yan ay patunay na meron kayong kasambahay na maliliit na nilalang.

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Si Gina ng Mandaluyong ay nasanay na sa nangyayari sa kanyang tinitirhan na maraming beses na siyang nawawalan ng gamit kaya’t may pagkakataon na galit na galit siya.

Misteryo: “Kailan ba nagsimula yang karanasan mo? Saka sigurado ka ba na may mga duwendeng nakatira sa bahay mo?”

Gina: “Oo sigurado kong mga duwende yung kumukuha ng mga gamit ko kasi imposibleng mawala yun. Ako lang kasi nakatira doon at bihira lang na bumisita ang aking mga kaibigan sa condo ko.”

Misteryo: “Nakita mo na ba itong mga duwendeng ito? Ano hitsura nila?”

Gina: “May time lang na parang naaaninag ko sila pero ang bilis kasi nilang kumilos. Alam mo yung parang si flash na pasulpot-sulpot lang. Pero ang liit nila alam mo yung parang lagpas kakahati ng ruler.”

Misteryo: “Anong gamit mo na ba ang nawala na biglang lumitaw o may mga gamit ka pang nawawala at hindi mo pa nakikita?”

Gina: “May time biglang nawala hair pin ko, yung stickers ko sa planner ko biglang nawawala. Pati spoon and fork nawalan na din ako pero baka kasi kinuha yun ng friends ko na dumating at nakikain sa condo ko.”

Misteryo: “Nag-try ka ba kausapin sila para matigil na pagkawala ng mga gamit mo? Sa palagay mo ba nakinig sila sayo kaya lumitaw gamit mo?”

Gina: “Many times ko na magparinig sa kanila every time may nawalang gamit. Yung iba bigla ko na lang nakikita sa ibabaw ng glass table ko sa living area. Yung iba talagang pahirapan na pakiusap mukhang ayaw ibalik sa akin.”

Misteryo: “Ano ang decision mo dahil dito? Humingi ka ba ng tulong sa psychic or spiritualist para mawala sila sa unit mo?”

Gina: “Dati naisiip ko yan pero harmless naman sila kaya no need na paalisin sila.”

Ang nga duwende ay likas ngang mapagbiro o malikot pero suwerte daw kung meron nito sa bahay lalu na yung mga puting duwende. Delikado lang kung mga itim na duwende na pwedeng manakit kaya mahalaga magpasintabi kung sa palagay niyo may kasambahay kayong ganitong nilalang

Para sa inyong mga kuwentong karanasan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.