Abante Tonite Interactive

Kasambahay nagbigti

By
482

Masusing iniim­bestigahan ngayon ng Manila Police District-Homicide Section ang diumano’y pagpapakamatay ng isang kasambahay na natagpuang nakabigti sa loob ng condominium unit ng kanyang amo sa Binondo kamakalawa nang gabi.

Ayon kay Chief Inspector Rommel Anicete, hepe ng Homicide Section, nakilala ang nasawi na si Mary Joy Coquilla, 18-anyos, namamasukan bilang kasambahay sa isang unit sa ika-20 palapag ng Riviera Condominium na matatagpuan sa Muelle dela Industria, St. Binondo.

Ginamit umano ng biktima sa pagbibigti ang isang extension wire.

Dakong alas-6:30 nang gabi nang ma­diskubre ng kanyang amo na hindi na nagpabanggit ng pangalan ang ginawa ng biktima.

Bigo naman ang pulisya na makakuha ng impormasyon kung ano ang mabi­gat na dahilan na nagtulak sa biktima para magpakamatay.

Pero inaalam din ng pulisya kung may foul play sa insidente.