Abante Tonite Interactive

Kasarian ng baby nina Dingdong-Marian ilalantad sa YouTube

747
tonite-imo-vinia-vivar
Sa YouTube nakatakdang ianunsyo ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang gender ng kanilang second baby.
Nagbukas ng YouTube Channel ang mag-asawa called Team Dantes at ang first video nila ay teaser ng gender reveal uploaded last Monday.
“Find out, girl or boy,” ang nakasaad sa video.
Sa description ay nakalagay na nakatakda na nilang ianunsyo kung ano ano ang gender ng baby.
“This week will be the launching of Marian and Dingdong’s youtube channel called Team Dantes. In a couple days we will find out if Ate Zia will have a brother or a sister!! Subscribe to find out!” ang saad sa deskripsyon.
Nakatakdang manganak si Ma­rian sa bandang Mayo next year.
***

Ogie nagpaiyak sa Twitter

Ang daming na-touch sa tweet ni Ogie Alcasid tungkol sa asawang si Regine Velasquez. Kitang-kita kasi ang mensahe ni Mr. Songwri­ter na mahal na mahal niya ang kanyang wifey.
“The joy in seeing your wife smiling from ear to ear because of the wonderful things that are happening to her is so precious,” ang tweet ni Ogie.
Maraming nagkomento na napaka-sweet ni Ogie at may isang naiyak pa raw siya pagkabasa ng tweet.
Pero siyempre, talagang may nega at nega pa rin at magaling mangbasag ng trip, ika nga.
May nagkomentong selfish daw si Regine to be smiling from ear to ear gayung marami raw natanggal sa ASAP.
Oh well, may sinabi ba si Ogie na masaya si Regine dahil maraming natanggal sa ASAP?
Ang mga bashers talaga minsan, mema lang.
***

Kris masama ang pakiramdam

Base sa kanyang latest post kahapon, masama pa rin ang pakiramdam ni Kris Aquino pero kinakailangan pa rin daw niyang i-fulfill ang kanyang obligasyon.
Bago ito ay nag-post si Kris last Tuesday na tumaas ang blood pressure niya last Sunday to 170/115, at bumaba ng 70/50 noong Lunes at nag-improve the following day at 90/60.
Kahapon ay ipinaliwanag din ni Kris ang tungkol sa financial issues na kinakaharap niya na, aniya, ay hindi lang dahil sa credit card char­ges but sa mga items na ginastos.
“Maybe now you’ll be enlightened that the financial issues i currently face aren’t merely about credit card charges (although it can be better understood this way- for anyone working and possessing a cokmpany credit card- kapag ang billing statement dumating sa accounting department, repeated charges on that company card worth let’s say ₱59,598.26 for @chinomnl that states in their own website “Chino’s beve­rage menu features a curated collection of tequila and mezcal and a special collaboration with local brewery, Joe’s Brew on an exclusive Chino Cerveza.” lulusot ba yan sa finance department pag na audit ka, na madalas “nakipag meeting” sa isang “restaurant bar” especially kung may conflict of interest because naging kliyente mo yung said establishment as a “consultant”?
“To be 100% transparent, late 2016 i had tried their HKG outpost once, but i have never been to the BGC branch because from 2018 my endorsement contracts became more specific about appearing intoxicated or patronizing known venues where alcoholic beverages are prominently displayed and heavily marketed.) A productive Wednesday to all,” ang saad ni Kris sa kanyang post.