Abante Tonite Interactive

Kasaysayan ng chop-chop lady sa Quezon City

269

Hindi aniya niya pinagsisisihan ang kanyang ginawang pagpaslang dahil dinadala ng babae sa kanyang sinapupunan ang isa pang anak ng demonyo.

Dugtong pa niya, inamin daw mismo sa kanya ni Heide ang pagdadalantao sa anak ni Satanas kaya’t minabuti niyang isagawa ang pagpatay upang hindi na maisilang ang isa pang demonyo.

Kuwento pa ni Orlando, nakadapa noon ang kanyang asawa at humihiling ang babae ng masahe sa kanya upang maibsan ang pagod ng pa­ngangatawan na dulot ng pagta-trabaho sa pinaglilingkurang pribadong pang-Katolikang paarlan.

Sinabi ni Orlando na dito na siya nakarinig ng mga bulong na nag-uutos sa kanya na ito na ang pagkakataon upang tapusin na ang napipintong paghahasik ng lagim sa sangkatauhan ng kampon ni Satanas kaya’t sa halip na masahe, tinapakan niya ang leeg ng babae habang hawak ang matalim na kutsilyo at dito na niya sinimulang isagawa ang pagwakwak sa sinapupunan ng asawa upang alamin kung may sanggol na anak ng demonyo na dinadala sa kanyang sinapupunan.

Bukod sa pagwakwak sa sinapupunan ng asawa, pinagputol-putol pa ni Orlando ang mga bituka at iba pang lamang-loob ng ginang at isa-isang ikinalat sa loob ng kanilang tirahan habang hinahanap sa loob ng matris ang sinasabing sanggol na anak ng demonyo.

Hindi pa nasiyahan, kumuha pa ng isang martilyo si Orlando at walang habas na hinatay ang ulo ng asawa hanggang mabasag ang bungo nito.

Nang lumabas ang parte ng utak ng ginang, sinabi ng Orlando na kinuha niya ang bahagi nito at kinain bago niya binalatan ang mukha ng asawa at inukit palabas ang mga mata.

Idinugtong pa ni Orlando na ulo ng kam­bing ang tingin niya sa mukha ng asawa kaya’t bina­latan niya ang mukha nito upang makita kung sino ang talagang nagtatago sa kaanyuan ng isang kambing.

Sinimulan ding pagputol-putulin ni Orlando ang mga braso at kamay ng asawa gamit ang kutsilyo at martilyo na tila nagtitilad lang ng mga parte ng baboy bago isinunod na putulin ang bahagi ng mga hita at binti.

Nang magkalat na sa sahig ang ilang parte ng katawan ng babae, isinalaksak pa ni Orlando ang isang hita nito sa winakwak na tiyan ng biktima habang ang mga kamay at itinapon palabas ng bahay malapit sa lugar na pinaglalaruan ng mga batang kapitbahay.

Habang isinasalaysay ni Orlando ang karu­mal-dumal na pagpatay sa kanyang asawa, nahahalinhan din ng mga pabulong na ritwal na mistulang isang dasal na isinasagawa ng isang kulto ang kanyang pagsasalaysay.

Idinugtong pa ni Orlando na ang ginawa niyang pagpatay kay Heide ay dapat lamang isinasagawa ng isang lalaki sa kanyang asawa.

Inulit niya na wala siyang pinagsisisihan sa kanyang ginawa at pakiramdam pa nga niya ay malaya na siya sa pagdurusa matapos niyang mapatay ang asawa.