Abante Tonite Interactive

Kasaysayan ng chop-chop lady sa Quezon City

Part 7

By
172

Dahil dito, sinabi ni Gen. Eleazar na isasai­lalim nila sa psychiatric examination sa isang dalubhasang doktor si Orlando upang alamin ang tunay na kondisyon ng kanyang kaisipan o posibleng ito lamang ang kanyang paraan upang mabigyang katuwiran ang karima-rimarim na ginawang krimen.

Matapos ang pag-amin ni Orlando sa ginawang pagpatay sa sariling asawa, kaagad siyang isinailalim ng mga tauhan ng CIDU sa drug dependency exa­mination upang alamin kung nasa impluwensiya siya ng ipinagbabawal na gamot nang isa­gawa ang walang pangambang pamamaraan ng pagpatay sa kanyang asawa.

Sa inisyal na resulta ng drug test na isinagawa ng QCPD-CIDU, nag-negatibo siya sa paggamit ng iligal na droga bagama’t nauna na rin niyang inamin kay Gen. Eleazar na natukso na siya minsang gumamit ng shabu noong taong 2002 bago sila ikasal ng kanyang asawa.

Abante Hiring – IT dep

Ipinasiyasat din ni Gen. Eleazar sa kanyang mga tauhan at iba pang drug enforcement unit ng kapulilsan, pati na rin sa Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA) kung kabilang ang pangalan ni Orlando sa talaan ng mga sangkot o gumagamit ng ilegal na droga subalit wala silang nakitang kapangalan man lang niya sa drug watch list ng Pambansang Kapulisan, pati na rin sa PDEA.

Kinondena naman ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Quezon City, maging ng ilang sektor ng pamahalaan, kabilang ang religious sector, ang karumal-dumal na pagpatay kay Heide ng kanyang asawa at ikinumpara ito sa nangyaring insidente ng walang awang pagpatay na isinagawa ng Amerikaong si Stephen Mark Wisenhunt sa kanyang Pinay na asawang si Eloisa Castillo noong taong 1993 na pinagputol-putol din ang bahagi ng katawan at ikinalat sa dinaanang lansangan mula sa tirahan nila sa San Juan City hanggang sa lalawigan ng Bataan.
Magugunita na isinapelikula pa noong 1994 ang Chop-Chop Lady- The Elsa Castillo Story na pinagbidahan pa ng premyadong aktres na si Lorna Tolentino at aktor na si Mark Gil na pumatok ng husto sa takilya.

Nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo si Wisenhunt at nakulong upang pagdusa­han ang ginawang krimen sa New Bilibid Pri­son (NBP) subalit makalipas ang 19 na taon, pinalaya siya noong Pebrero 28, 2013 dahil sa pagpapakita ng mabuting ugali sa panahon ng kanyang pagkakapiit.

Gayunman, matapos na lumabas ng piitan, kaagad din siyang ipinatapon ng Bureau of Immigration (BI) pabalik sa kanilang bansa sa Estados Unidos, kasabay ng paglalagay sa kanya sa “blacklist” na nangangahulugang hindi na siya maaaring makabalik pa ng Pilipinas habang siya’y nabubuhay.