Abante Tonite Interactive

Kasaysayan ng chop-chop lady sa Quezon City

Part 1

By
343

Ang pag-aalay ng wagas at dalisay na pagmamahal ng isang mister sa kanyang misis ang pangunahing obligasyon ng isang lalaki sa kanyang maybahay kahit ano pa man ang maging estado nila sa buhay sa panahon ng kanilang pagsasama.

Hindi kailanman dapat sukatin ng isang lalaki ang iniuukol niyang pagmamahal sa kanyang asawa sa pamamagitan lamang ng paghahanap ng respeto at kahalintulad na pagmamahal na iuukol ng babae lalo pa’t ang kanilang pagiging mag-asawa ay nangangahulungan ng pag-iisa ng kanilang katauhan.

Mas dapat na manaig ang pang-unawa sa isa’t isa sa oras na duma­ting ang pagkakataon na magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan sa mga bagay o usapin na taliwas sa kanilang paniniwala at kaalaman.

Abante Hiring – IT dep

Sa kaso ng mag-asawang Orlando at Heide Estrera, hindi na­ging malinaw kung bakit humantong sa napakalagim na pangyayari ang kanilang pagsasama lalo na’t hindi katanggap-tanggap ang naging dahilan ng lalaki kung bakit ninais niyang patayin ang asawa sa karima-rimarim na pamamaraan.

Tahimik na namumuhay sa kanilang lalawigan Davao Oriental ang mag-asawang Orlando at Heide bago sila nagpasiyang lumuwas sa lungsod, may dalawang taon na ang nakararaan upang dito maki­pagsapalaran at maghanap ng mas magandang buhay.

Isinilang si Heide sa Iloilo kung saan dito siya lumaki, nag-aral at nagdalaga hanggang sa magpakasal at mapangasawa niya si Orlando noong taong 2002 na mas bata ng tatlong taon ang edad sa kanya.

Dahil tubong Davao Oriental, dinala ni Orlando sa kanilang ­lalawigan ang asawa upang dito sila humubog ng masaya at ­masaganang buhay, kasama ang inaasahan nilang magiging mga ­supling.