Abante Tonite Interactive

Kasaysayan ng mga babaeng pinagputol-putol ang katawan ng dahil sa panibugho

By
149

Ang mga suspek at ang biktima ay nagta-trabaho umano sa isang online gaming bagama’t hindi na binanggit pa sa ulat ng pulisya ang eksaktong lugar na kanilang pinagta-trabahuhan.

Sumugod din kaagad si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar sa lugar na pinangyarihan ng krimen sa Unit 1116 sa ika-11 palapag ng The Lerato Residence Tower 1 sa Malugay Street, Barangay Bel-Air upang pangasiwaan ang pag-iimbestigang isasagawa ng mga tauhan ng Makati city police.

Sa panayam ng TUGIS kay Chief Insp. Gideon Ines, Jr. ang Deputy Chief for Operation ng Makati police, alas-kuwatro nang hapon ng Nobyembre 22, habang inaayos ni Joy Elorsa, ang housekeeper ng condominium ang mga itinatapong basura ng mga naninirahan sa condominium sa Material Recovery Facility (MRF), biglang may nahulog ditong unan na tigmak ng dugo, kasunod ng isang kulay orange na bag na naglalaman ng duguang kutsilyo na may kasamang tila laman ng tao at isang damit panloob ng babae.

Mabilis na ipinagbigay-alam ni Elorsa sa security officer-in-charge na si Walter Tornilla ang natuklasan kaya’t iniutos niya ang pagsusuri sa bawat palapag ng condominium kung may makikita silang bahid ng dugo subalit wala silang nakita.

Gayunman, nang rebisahin ni Tornilla ang mga kuha ng kanilang closed-circuit television (CCTV) camera sa bawat palapag ng condominium, napansin niya ang paglabas ni Zhang Chuning sa kanyang tinutuluyang unit sa ika-11 palapag na siyang may bitbit ng orange na bag na itinapon sa MRF na naglalaman ng duguang kutsilyo at underwear ng babae kaya’t naghinala na siya na may hindi magandang pangyayari ang nagaganap.

Kasama ang kinatawan ng naturang condominium, nagtungo sila sa unit ni Zhang sa 1116 upang alamin kung mayroong hindi kanais-nais na pangyayari sa loob at sa kanilang pagsusuri, nakita nila ang isang kulay silver na bagahe o luggage bag na may bahid ng dugo na nakalapag sa malapit sa banyo habang tatlo pang shopper’s bag na nasa pasilyo ang kanilang nakita na pawang naglalaman ng pinagputol-putol na katawan ng tao.

Dinatnan din nina Tornilla at kinatawan ng condominium sa loob ng naturang unit si Zhang Chuning, ang kasamahan nitong sina Zhang Chu Quan at Zhang Yi Xi na hindi na nila pinahintulutan pang umalis hangga’t hindi dumarating ang mga tinawagan nilang kagawad ng Makati Police Community Precinct (PCP) 6 at maging sa headquarters ng Makati police.

Dumating din sa naturang lugar si Wang Xue na kasabay na halos ng mga nagrespondeng pulis kaya’t pinigilan na rin siyang makaalis at ibinilang sa mga inaresto nina SPO3 Romulos Mones, PO1 Ruam Cancino, PO1 Ralp Douglas Litdog at PO1 Jomar Taguibao.

Positibo namang kinilala ni Wang Yanan, 28 at naninirahan sa Unit 1119 Tower DSM Jazz, Metropolitan Avenue, Barangay Bel-Air na kanyang ka­patid nga na si Wang Yalei ang putol-putol na katawan na isinilid sa apat na magkakahiwalay na luggage at shopper’s bag.