Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kaseksihan ni Aiko solb sa mga netizen

0 432

NI: ROLDAN CASTRO

Inspirasyon para sa nakararami ang pigura ni Aiko Melendez. Kapansin-pansin ang kaseksihan kahit pa man stuck at home sa gitna ng quarantine.

Sa edad na 44-year-old, ginulat niya ang mga netizen sa kanyang slimmer figure nang mag-post ito sa kanyang Instagram na naka-bathing suit.

Ibinahagi na noon ni Aiko na matinding disiplina sa pagkain ang naging susi sa matagumpay niyang weight loss journey.

“Gusto ko maging healthy ako at gusto ko pagbalik ko sa TV, masa-shock ang tao sa akin dahil kalahating tao ang makikita nila kay Kendra,” dagdag pa ni Aiko.

Kasama sa mga napahanga sa kanyang post ang kanyang Prima Donnas co-stars na sina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo. Maraming netizen din ang nagkomento na na-inspire silang mas maging healthy at fit ngayong quarantine dahil kay Aiko.

Leave A Reply

Your email address will not be published.