Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kaso ng 14 pulis sa P2B investment scam dinismis

0 48

Ipinag-utos ng Regional Prosecutors Office ng Soccksargen ang dismissal sa lahat ng kasong syndicated estafa na inihain laban sa 14 na pulis kabilang ang isang retirado.

Pinababasura ang mga kaso laban kina PCol. Manuel M. Lukban Jr., Ret. PCol. Raul Supiter, PLTCol. Henry Biñas at 11 pang tauhan ng Philippine National Police (PNP) dahil sa kawalan ng probable cause at gross insufficiency ng ebidensiya.

Ang mga kaso ay inihain ng mga tauhan ng PRO12, sa utos ng noo’y Regional Director nilang si Gen. Eliseo Rasco. Magugunitang sinibak noong Marso 2019 ang naturang mga pulis dahil sa umano’y P2 bilyong Police Paluwagan Movement (PPM) investment scam.

Ginawang basehan ang anonymous text message at umano’y maling impormasyong natanggap ng Department of the Interior and Local Government tungkol sa scam, na naging mitsa para ipag-utos ni Sec. Eduardo Año ang immediate relief at pag-iimbestiga laban sa mga nabanggit na PNP officer.

Samantala, nakitaan naman ng probable cause ang syndicated estafa case na isinampa ng Criminal Investigation and Detection Group laban kay Mark George Naval, actual founder/proprietor ng PLANPROMATRIX Co., at kanyang mga staff na sangkot sa pyramiding scam kaya naman sinampahan sila ng limang counts ng syndicated estafa.

Marso 4, 2020 inilabas ang warrant of arrests na walang piyansa laban sa mga totoong scammer. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.