Abante Tonite Interactive

Kaso ng COVID-19 sa Cagayan nadagdagan

483

Nakapagtala na ng limang kaso ng Persons Under Investigation (PUI) at 216 na Persons Under Monitor (PUM) sa bayan ng Alcala, Cagayan, ayon sa COVID-19 Alcala Municipal Task Force o COVID-19AMTF.

Ayon sa COVID-19AMTF, ito ay base sa maigting na monitoring sa pagpapatupad ng mga preventive measure laban sa banta ng COVID-19 sa nasabing bayan.
Ayon kay Alcala Mayor Atty. Christine Antonio, inihayag nito na 187 mula sa mga PUM ang umuwi galing sa National Capital Region (NCR) habang ang 29 sa mga ito ay mga overseas Filipino worker (OFW).

Paliwanag ni Antonio, bagama’t may limang naitalang kaso ng PUI ay ‘di dapat mag-panic sa halip ay sundin ang mga ipinatutupad na precautionary measures upang makaiwas sa sakit.

Dagdag pa ng opisyal, maigting din ang pagsasagawa ng checkpoints sa mga entry and exit points upang ma-monitor ang mga pumapasok sa kanilang bayan. (Allan Bergonia)

Tonite – Wendys Inhouse Ad