Abante Tonite Interactive

Kaso ng COVID-19 sa Paranaque sumirit

0 365

Nakatutok ngayon ang mga awtoridad sa tatlong barangay sa Paranaque dahil sa biglang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Kabilang sa binabantayan ngayon ang mga Barangay San Dionisio, San Antonio at Baclaran.

Sa ulat, ayon na rin sa city administrator ay kinokonsidera umano ang mga ito na areas of concern nang madagdagan ang kaso ng virus.

Gayunman upang hindi na kumalat pa at makahawa ang mga tinamaan ng virus ay siniguro nitong naibukod na at naka-quarantine ngayon ang lahat ng suspected at probable cases.

Posible ring i-lockdown ang mga sitio o kalsada sa lugar kung saan patuloy pa ring pinaiiral ang curfew at liquor ban.

Kasabay nito ay agad ding naglabas ng guidelines sa modified enhanced community quarantine si Mayor Edwin Olivarez.

Tonite – Wendys Inhouse Ad