Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kaso ng COVID sa Calabarzon lumulobo

0 168

NAKAPAGTALA ngayong araw ang Department of Health (DOH) – CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ng kabuuang 64,106 kaso sa rehiyon kabilang ang 318 bagong kumpirmadong kaso.

Sinabi ni OIC-Regional Director Paula Paz N. Sydiongco na kabuuang 56,821 pasyente na ang gumaling sa sakit. Habang mayroon na lamang 5,521 aktibong kaso na ngayon ay patuloy na sumasailalim sa gamutan sa ibat-ibang health facilities sa mga probinsya. Umabot naman sa 1,764 ang namatay na sa virus.

Ang Laguna ang may pinakamataas na bilang – 17,242; sinundan ng Cavite – 17,160; Rizal na may 13,286; Batangas – 10,905; at 5,513 naman sa Quezon. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.