Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kaso ng dengue sa Cagayan lumobo

0 40

NASA 41 kaso ng dengue ang naitala ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) nito lamang April 1 hanggang 30 sa nasabing lalawigan.

Sa report, ayon kay CVMC officer Dr. Cherilou Antonio, mula sa nasabing bilang, anim pa sa mga pasyente ang nasa ospital na kinabibilangan ng tatlong nasa medical ward at tatlo na nasa pedia ward habang isa ang naiulat na nasawi.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ni Antonio, ito ang panahon ng pagtaas ng kaso ng dengue dahil panahon ng tag-ulan kaya dapat aniyang maging maingat at panatilihin ang kalinisan sa tahanan.

Nakahanda aniya ang dengue fast lane para sa agarang pagtugon sa kondisyon ng mga pasyenteng isinusugod sa ospital na may sintomas ng nasabing sakit. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.