Abante Tonite Interactive

Kaso ng dengue tumaas sa Central Visayas

265

Sa gitna ng nakataas na tigdas outbreak, tumaas din ang bilang ng mga dinapuan ng dengue sa Region 7 o Central Visayas.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Eric Domingo, nakapagtala na ang nasabing rehiyon ng 2,132 kaso ng dengue ngayong taon pa lamang at may 18 na ang nasawi simula noong Enero.

Sinabi pa ni Domingo na posibleng isa sa naging dahilan nito ay ang mga naganap na pag-ulan sa rehiyon nitong mga nakaraang araw.

Pinaalalahanan ni Domingo ang publiko na ang early detection ang pinakamainam na paraan upang maiwasan ang pagkamatay ng isang indibidwal na tinamaan ng dengue.

Gayundin ang paglilinis sa mga lugar na maaaring maimbakan ng mga tubig na pinamamahayan ng lamok para makaiwas sa sakit.