Abante Tonite Interactive

Kaso ng leptospirosis pumalo na sa 1K

321

Nasa 1,000 kaso na ng sakit na leptos­pirosis ang naitala ng Department of Health (DOH).

Nabatid na nitong nakalipas na Enero hanggang Abril 2019, pumalo na sa 496 ang naitalang nagkaroon ng leptospirosis kung saan 47 ang nasawi.

Ito ay mas mataas ng 57% sa naitalang 939 kaso ng leptospirosis sa kaparehas na panahon noong 2018.

Kasabay nito, nagbabala ang DOH sa publiko na iwasang lumusong sa baha dahil dito nakukuha ang sakit na leptospirosis mula sa mga ihi ng daga na humalo sa tubig baha.

Kung hindi naman maiwasang lumusong sa baha ay ipinapayo ang agad na pag-inom ng doxycycline.

Kaagad ring magpakonsulta sa doktor kapag nakaramdam ng sintomas tulad ng lagnat, panghihina, pagkahilo at pamumula ng mata. (Juliet de Loza-Cudia)