Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kaso ng Palawan lawyer solb na

0 168

Naresolba na ang kaso sa abogadong pinatay sa Narra, Palawan nitong November 17, nang mahuli na ang mastermind nito at pulis na kasabwat, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa press briefing kahapon sa Camp Crame, sinabi ni Police BGen. Pascual Munoz, Regional Director ng Police MIMAROPA, naaresto na ang 3 na sangkot sa pagpatay kay Atty. Eric Jay Magcamit.

Ayon kay Munoz, base sa imbestigasyon ng kanilang Special Investigation Task Group (SITG) Magcamit, nasampahan na ng kaso ang tatlo sa mga suspek.

Naaresto ang mga ito base na rin sa salaysay ng mga saksi at sa kuha ng dashcam sa sasakyan ng biktima at CCTV sa lugar.

Ito ay sina Jazrel Del Rosario; Marcelino Delos Reyes Quioyo, mastermind, na lulan ng motorsiklo at namaril sa biktima, at si Staff Sgt. Ariel Pareja, suma-sideline bilang police escort ni Quioyo.

Land dispute o awayan naman sa lupa sa Brgy. Isugod, Quezon ang motibo na nakikita ng pulisya sa krimen dahil si Magcamit ang abogado ng kalaban ni Quioyo sa kaso na dinidinig sa korte. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.