Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kaso ng patay na Chinese POGO sa banyo kinakalkal

0 368

Nag-iimbestiga ngayon ang Cavite Police sa pagkamatay ng isang 23-anyos na lalaking Chinese national na natagpuan sa banyo ng kanyang kuwarto sa loob ng itinatayong Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Cavite.

Isinugod pa sa Binakayan Medical Hosital ang biktimang si Lou Bikal, binata, tubong Guizhou China ng Dorm 15 Room 226 First orient ventures Corp, Brgy Pulborista, Kawit, Cavite pero dineklarang dead on arrival.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat ni Pat Troadio Balitaosan, ng Kawit Municipal Police Station, alas-4:30 Linggo ng hapon nang madiskure ng housekeeper ang biktima na nakahiga sa sahig ng comfort room.

Walang nakitang anumang sugat sa katawan o senyales na pinahirapan ito. Wala ring forced entry kaya inaalam pa ang motibo sa pagkamatay nito. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.