Abante Tonite Interactive

Kaso ng pinatay na mag-ate dahil sa LQ sarado na

702

Kilala na ng Manila Police District-homicide section, ang magkapatid na chinese national na pinagbabaril sa ulo ng Chinese national na nobyo ng isa sa biktima kamakalawa nang madaling-araw sa tinutuluyang condominium unit sa Quiapo, Maynila.

Ayon kay P/MSgt. Jorlan Taluban, ng MPD-hs, ang magkapatid na biktima ay sina Ke Jinshun, 30-35; at Ke Wanting alyas Ivy, 30-35, kapwa taga-Unit 704 ng Gaisano Tower, C. Palanca St., Quiapo.

Nabatid na nagtungo sa MPD-hs si Shirong Juan, 40, at kasosyo sa negosyo ni Ivy ; at Mercy Lim, Presidente ng Filipino Cinese Chamber of Commerce Inc.(FCCCi) para magbigay ng pagkakilanlan sa magkapatid.

Ayon kay Huang, mag-childhood sweetheart si Ivy at ang suspek na si Shao Jie Qiu, 35, taga-B15L6 Celadon Residence, Felix Huertas St. Sta. Cruz.

Ayon kay Huang nakikipaghiwalay na umano si Ivy pero ayaw ng suspek. Ilang oras ang nakalipas ay tinawagan niya si Ivy pero nang hindi ito sumasagot ay pinapunta niya sa condo ang kanyang mga store helper at dito na natuklasan ang bangkay ng magkapatid.

Habang nagpakamatay naman ang suspek matapos na tumalon sa ikalimang palapag ng Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC).

Nabatid na itinuturing na ni P/Capt.Henry Navarro ,hepe ng MPD-hs na sarado na ang kaso dahil napagdugtong-dugtong na ang sirkumstansiya at patay na ang suapek. (Juliet de Loza-Cudia)