Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kaso ng rape sa Pangasinan dumadami

0 73

Dahil sa pagtaas ng kasong rape, muling nagpaalala ang Pangasinan Provincial Police Office (PPPO) na iwasan ang pakikipag-eyeball o pakikipagkita sa mga taong hindi kilala o nakilala lamang sa social media.

Ayon kay PPPO spokesperson P/Maj. Arturo Melchor Jr., ang pagtaas ng kasong panggagahasa o rape case ay nakakabahala na sa nasabing lalawigan.

Kamakailan lamang aniya, naitala ang ganitong insidente sa Urdaneta City kung saan isang dalagita ang nakipag-eyeball at ginahasa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Melchor, ang biktima ay nakilala ang suspek sa isang dating site at nang makipagkita umano ito ay nakipag-inuman ito sa naturang siyudad.

Pumunta umano sila sa isang motel at doon hinalay ng suspek ang biktima. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.