Abante Tonite Interactive

Kaso ng suicide sa Baguio lumobo

460

Nababahala ngayon ang Baguio City Health Services Office (BCHSO) dahil sa paglago ng mga ‘suicide case’ sa naturang siyudad.

Ayon kay BCHSO medical officer Dr. Donnabel Tubera, na mula sa average na dalawang suicide case na naitatala kada-buwan, ay dumoble at naging apat kada-buwan na mula sa unang quarter ng taong kasalukuyan sanhi upang maalarma ang mga awtoridad para sa lumalalang depression sa siyudad.

Dagdag pa ni Tubera, karamihan sa biktima ng suicide ay sa pamamagitan ng pagbibigti sa sarili.

“We were alarmed by the sudden increase in suicide cases in the city that is why we appeal to the residents to make sure that they are able to closely monitor the activities of their family members,” ani Tubera. (Allan Bergonia)