Abante Tonite Interactive

Kaso ng tigdas lumobo sa Pangasinan

196

Lumobo ng 637% ang kaso ng tigdas mula Enero 1 hanggang Hulyo 8 ngayong taon na may kasong 1,298 kumpara noong 2018 na nakapagtala lamang ng 176 na kaso sa parehong buwan sa Pangasinan, ayon sa Provincial Health Office (PHO).

Base sa datos ng PHO, may naitalang siyam na namatay dahil sa sakit na tigdas ngayong taon kumpara noong nakalipas na taon na mayroon lamang isang namatay.

Ayon sa PHO, isa sa mga sanhi ng pagtaas ng tigdas sa lalawigan ay dahil na rin umano sa takot ng mga residente sanhi ng Dengvaxia vaccine.

Sinabi ng PHO na karamihan sa mga magulang ay takot na pabakunahan ang kanilang mga anak na Dengvaxia vaccine dahil sa masamang balita hinggil dito.

Sa ulat ng health office, hindi lamang mga bata ang naaapektuhan ng pagkamatay dahil sa tigdas kundi matatanda rin.

Ang nasabing siyam na namatay dahil sa tigdas ay sa Brgy. Llanas, Ma­ngaldan; Amamperez, Villasis; Calmay, Dagupan City; Caingal, San Carlos City; Germinal, Bolinao; Sobol, San Fabian; at Primicias, Bautista. (Allan Bergonia)