Abante Tonite Interactive

Kaso ni Albayalde warning sa ibang ‘ninja cops’

269

Isang malaking war­ning o babala umano sa tinatawag na ‘ninja cops’ ang rekomendasyon ng Department of Justice (DOJ) na kasuhan ng graft si dating Philippine National Police chief Oscar Albayalde at 12 iba pang mga pulis na sangkot sa kontrobersiya sa anti-drug operation sa Pampanga noong 2013.

Ayon kay Senate Mino­rity Leader Franklin Dri­lon, ang desisyon ng DOJ na kasuhan si Alba­yalde ay patunay lang na hinahabol ng batas ang mga tiwaling pulis na sangkot sa pegbenta ng nakumpiskang iligal na droga.

“An indictment of a former top cop should send a clear signal to unscrupulous members of the police force involved in the recycling of seized illegal drugs: your days are numbered,” reaksiyon ni Drilon.

“You may not be caught today or tomorrow but, certainly, the law will catch up with you and send you behind bars. The justice system may be slow but no one can escape from it,” dagdag pa nito.

Tama lang aniya na kasuhan si Albayalde dahil kung hindi, isang ma­laking sampal diumano ito sa justice system ng bansa.

Kaugnay nito, sinuportahan ng Malacanang ang naging aksiyon ng DOJ na pagsasampa ng kaso laban kay Albaya­lde at 12 ‘ninja cops’.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo na ginawa ng DOJ ang kanilang trabaho at magkakaroon na ng tamang forum si Albayalde para sagutin at harapin ang mga inaakusa sa kanya.

Magagamit din aniya ng dating PNP chief ang lahat ng ligal na remedyo para ipagtanggol at linisin ang sarili laban sa mga bintang sa kanya.

“The DOJ did its job. Gen. Albayalde will now have a forum to address the charge. He can avail of all legal remedies. The Constitution accords him the presumption of innocence until a competent court finds him guilty beyond a reasonable doubt,” ani Panelo.

Hayaan aniyang gumulong ang proseso ng batas at lumabas ang kapasyahan ng mga hukom nang naaayon sa batas.

Si Albayalde ang da­ting hepe sa lalawigan at mga tauhan nito ang 12 ‘ninja cops’ na kasamang kakasuhan sa korte. (Aileen Tali­ping/Dindong Matining/Prince Golez)