Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kaso ni Dacera lalong lumalim

0 175

Matapos ang paghimlay ng flight attendant na si Christine Dacera ay may panibagong anggulo sa kanyang pagkamatay.

Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) na pumasok na rin sa eksena para mabigyang-linaw ang masalimuot na sanhi ng kanyang krimen ay may hawak na raw silang ebidensiya na nagpapatunay na may naganap na krimen sa pagkamatay ni Christine noong Bagong Taon matapos itong matagpuang wala ng buhay sa bath tub ng City Garden Grand Hotel sa Makati City.

Mismong si NBI Deputy Director Ferdinand Lavin ang nagpasabog ng bagong kaganapan sa kaso ni Dacera matapos nilang isailalim sa i-autopsy ang bangkay ng flight attendant bago ito ilibing.

Ayon sa NBI, malinaw ang indikasyon na may nangyaring krimen kung saan mahigit sa isa ang gumawa.

Sinabi pa ng NBI official na kumpara sa Philippine National Police (PNP) na itinuring na case solved ang pagkamatay ni Dacera ay wala pa silang konklusyon sa nangyaring krimen.

Ang samang pagkumparahin pero sa galawan pa lang kitang-kita na kung sino ang may kredibilidad.

Hindi natin minamaliit ang PNP pero sa mabilis nilang naging konklusyon ay nasira sila at naging daan para pumasok sa eksena ang NBI.

Pero tama na rin para sa ikatatahimik ng lahat. Sa panig ng mga inaakusahan at sa panig ng mga naulila ni Dacera.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Kapag nailabas naman siguro ng NBI ang resulta ng kanilang imbestigasyon ay matatahimik na ang bawat kampo at kikilalanin ang resulta ng kanilang gagawing pagsusuri dahil talagang dumaan ito sa masusing proseso.

Pero ang tanong wala bang parusang igagawad sa mga awtoridad na maaga pa lang ay nagpahayag na ng kung anu-anong konklusyon.

Well mukhang malabo na itong mangyari. Ang habol na lang natin ay lumabas ang katotohanan sa kontrobersyal na kasong ito.

***

Sa kabilang banda nakakalungkot ang kinahinatnan ng kaso kaugnay sa pagkamatay ng apat na intelligent officers ng Philippine Army na nasa anti-terrorism mission kung saan ay siyam na pulis ang sangkot.

Binalita kasi ni PNPO Chief General Debold Sinas itinurn over na sa kani-kanilang pamilya ang siyam napulis dahil wala namang warrant of arrest laban sa kanila.

Ganun ang biglang ganap sa kontrobersiyal na kamatayan ng apat na sundalo na ikinadismaya ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kaya abangan na lamang natin kung saan hahantong ang pagkairitang ito ng AFP sa tila kawalan ng hustisya sa pagkamatay ng kanilang mga tauhan sa Jolo na kung matatandaan ay binansagan pa itong ‘rubout’.

Kung ganito ganito kapait ang hustisya sa mismong mga awtoridad, paano pa kaya ang mga ordinaryong mamamayan?

Leave A Reply

Your email address will not be published.