Abante Tonite Interactive

Kaso ni de Lima humina sa paglipat ng 10 preso

0 611

Tahasang sinabi ni Senador Panfilo Lacson na humina ang kaso ng gobyerno laban kay Senador Leila de Lima matapos ilipat sa Marine barracks sa Fort Bonifacio ang sampung high profile inmate.

“The mere fact they were transferred from a maximum security facility na talagang miserable ang buhay tapos mapupunta ka sa lugar na medyo maraming privilege at magaan, siyempre parang ‘yun na ‘yun. Kaya sa halip na magpalakas ng kaso laban sa nasasakdal, in this case kay Leila de Lima, baka lalong humina pa.” paliwanag ni Lacson sa DWIZ.

Duda rin si Lacson sa paliwanag na kaya inilipat ang sampung preso ay dahil baka ipatumba ito ng mga galamay ni de Lima.

Ayon sa senador, matagal nang nakakulong si de Lima at matagal nang nawala sa Department of Justice (DOJ) para magkaroon ng impluwensiya sa loob ng New Bilibid Prison.