Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kaso ni Pemberton silbing leksyon – AFP

0 55

UMAASA ang Armed Forces of the Philippines na tatalima at hindi lilihis sa batas ang sinumang sundalong dayuhan na papasok sa bansa kasunod nang nangyari sa Amerikanong serviceman na si LCpl Scott Pemberton.

Sinabi ni AFP Spokesman Maj. Gen. Edgard Arevalo na magsilbi sana itong aral sa lahat ng mga dayuhang sundalo na huwag maging pasaway habang nasa “R and R” sa Pilipinas.

“The lesson that the recent incident tells everyone is that no one is above the law— and that for any misconduct or transgressions, they will be punished accordingly,” sabi ni Arevalo.

Si Pemberton ay na-convict at na-deport sa pagpatay sa Filipino transgender woman na si Jennifer Laude.

Nakulong siya ng ilang taon bago nabigyan ng pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan pinauwi na ito sa US.

Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tiyak na haharap sa court martial proceedings sa Amerika si Pemberton.

Kasama na dito ang pagtukoy kung dapat pa ba itong manatili sa serbisyo o tuluyang sibakin

dahil sa mabigat na kasalanan sa Pilipinas. (Kiko Cueto/Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.