Abante Tonite Interactive

Kaso ni PNoy sa DAP walang kulong — Palasyo

By
3,149

Dismayado ang Ma­lacañang sa kasong isi­nampa ng Ombudsman laban kina dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III, at dating Budget Secretary Florencio ‘Butch’ Abad kaugnay sa isyu ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na malabnaw ang kaso dahil sa halip na malversation of funds ay usurpation of legislative powers ang isinampa ni Morales sa dating Pangulo.

Nakapagtataka aniyang sa tagal ng panahong isinampa ang reklamo laban kina Aquino at Abad ay ngayon lang kumilos si Morales kung kailan paalis na ito.

“Ang nakapagtataka lang po ay siguro apat o limang taon na ang nakalipas eh bakit ngayon lang nagkaroon ng kasong ganito. Para bang gustong sabihin ni Morales eh ‘bago ako umalis sinampahan ko si dating Pangulong Aquino.’

“‘Yung kasong isinampa niya, kung mako-convict ay pagkakakulong ng six months na probationable, ibig sabihin walang kulong,” ani Roque.

Nagpaliwanag naman si Caloocan City Rep. Edgar Erice kung bakit malabnaw ang isinampang kaso ng Ombudsman laban kay da­ting Pangulong Aquino.

“DAP is a policy direction adopted by the Aquino administration to address the issue of underspending and hasten infrastructure development,” wika ni Erice.

“It’s not corruption per se,” diin pa ng kaalyado ni Aquino.

Kumpiyansa rin ang mambabatas na malalagpasan ni Aquino ang kakaharaping pagsubok.