Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kaso vs Esperon, 3 pa sa red-tagging pinababasura

0 310

Taktika lang ng grupong Karapatan ang paghahain ng kaso sa Office of the Ombudsman laban sa apat na opisyal ng gobyerno upang mamanipula ang demandang isinampa sa kanila ng gobyerno.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“These charges do not deserve the serious consideration of the Ombudsman, much less do they warrant a court trial,” ayon sa inilabas na pahayag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Legal Cooperation Cluster.

Giit ng NTF-ELCAC, ang kasong paglabag sa Republic Act No. 9851 (Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity) na isinampa laban kina National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., Undersecretary Lorraine Badoy, at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Mocha Uson noong Disyembre 4 ay dapat mabasura dahil walang kapangyarihan ang Ombudsman na humatol o mag-imbestiga sa IHL violation. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.