Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kaso vs vaccine slot for sale inatras ng PNP

0 96

Hindi na itutuloy ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasampa ng kaso laban sa isang businesswoman na nagsiwalat ng iligal na pagbebenta ng COVID-19 vaccine slot sa Mandaluyong City.

Ayon kay PNP Chief Guillermo Eleazar, ina­tasan na niya ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na i-withdraw ang kasong estafa at paglabag sa Anti-Red Tape Law and Cy­bercrime Prevention Act of 2021 laban kay Nina Ellaine Dizon-Cabrera, CEO ng local cosmetics company Colourette Cos­metics.

Habang ang dalawang sinasabing nagbebenta ng vaccine slots na sina Cyle Cedric Bonifacio at Melvin Gutierrez sa Mandaluyong City ay nananatiling may kaso.

Ayon kay Eleazar, sa pamamagitan ng ma­lalimang imbestigasyon, hindi umano dapat na isinama si Dizon-Cabrera sa criminal complaint na isinampa ng CIDG sa Mandaluyong Prosecutor’s Office.

SM food to go Banner Ad

“With this develop­ment, I already instructed the CIDG to withdraw the cases filed against her before the Mandaluyong City Prosecutor’s Office in the soonest possible time,” ani Eleazar sa pa­hayag.

Iniutos na rin ni Eleazar na sibakin si P/ Lt. Col. Arnold Moleta ng CIDG Eastern Metro Manila District Field Unit sa ginawang “lapse in judgment” at kawalan ng “command responsibility” sa imbestigasyon.

“Let this serve as a reminder to all our person­nel that if you are assigned to do a task, always make sure that you do your best, and do it right,” ayon kay Eleazar.

Nilinaw ni Dizon-Ca­brera na siya ang nagsi­walat sa modus, subalit siya pa ang kinasuhan ng PNP. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.