Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kasong kriminal, administratibo kontra Acosta binasura

0 203

Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang mga kasong kriminal at administratibo na isinampa ng isang abogado laban kay Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida V. Rueda Acosta at sa forensic chief nito dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya.

Ang mga kasong ibinasura ni Ombudsman Samuel Martirez na inihain laban kay Acosta at sa forensic expert consultant nito na si MD Atty. Erwin P. Erfe ay ang falsification of public documents, malversation of public funds, illegal use of public funds or property, grave misconduct, serious dishonesty, garve abuse of authority at conduct prejudicial to the best interest of public service.

Ikinatuwa naman ni Acosta ang pagbasura ng Ombudsman sa aniya’y ‘baseless and harassment cases’ na inihain laban sa kanila ng forensic chief niyang si Atty. Wilfredo Garrido.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Aniya, nagulat na lamang umano siya noong Agosto ng nakaraang taon at mismong kaarawan niya nang mabasa sa ilang pahayagan na pinatatanggal siya ni Garido at nga kaniyang mga PAO lawyer dahil umano sa reklamong mga katiwalian sa kanyang tanggapan.

Pero nang makita umano ng PAO chief ang mga sinasabing reklamo ng mga lawyers ay walang mga lagda o pirma at kinalaunan ay nalaman nilang pineke lang ito.

Maging ang inakusa ni Garrido na pagtatayo ng forensic laboratory sa PAO ng wala umanong awtorisasyon mula sa Kongreso ay walang katotohanan dahil ito ay may basbas aniya ng Department of Budget and Management (DBM). (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.