Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kasong pagpatay, droga ni ex-mayor sinisilip sa Cagayan ambush

0 63

Iniimbestigahan na ng Special Investigation Task Group (SITG) ang mga motibo ng pamamaslang sa dalawang dating alkalde ng Lasam, Cagayan at dalawa nilang kasama matapos tambangan kamakalawa sa nasabing bayan.

Matatandaang alas-11:30 ng umaga nang tambangan ang sinasakyang van ng biktimang sina Marjorie Salazar; Eduardo Asuten, 67, mga dating naging alkalde ng bayan ng Lasam at ngayon ay kapw incumbent Sangguniang Bayan member; drayber na si John Rey Apil, 24; at sekretaryang si Aiza Manuel, 31.

Ang mga hindi pa kilalang armadong suspek ay lulan ng dalawang kotse at ratratin ang mga biktima sa Barangay Ignacio B Jurado.

Ayon kay Police Col Ariel Quilang, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office, ilan sa motibo na kanilang iniimbestigahan ay ang pagkakadawit ni Salazar sa kasong pagpatay noong nakaraang taon kay Benjamin Agatep, municipal administrator, na itinanggi ni Salazar.

Tinitingnan din kung may kinalaman ito sa pulitika, pagkadawit ni Salazar sa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte at robbery dahil nawawala umano ang bag ni Salazar. Posible din umanong gawa ito ng New People’s Army.

Inaalam na rin kung posibleng nadamay lang sa insidente si Asuten na nakisakay lang kay Salazar.

Sa imbestigasyon ng Cagayan PNP Crime Laboratory, nakakuha sila ng 195 basyong bala ng 5.56 mm armalite rifle at 6 na basyo ng kalibre .45 baril sa crime scene. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.