Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kasong rape ni Dennis binawi

0 1,085

Matapos ang halos 19 na taong pagkakakulong ng “That’s Entertainment” actor na si Dennis da Silva ay binawi ngayon ng kanyang stepdaughter ang akusasyon na panghahalay sa kanya ng aktor.

Sa Jan. 20 episode ng “Wanted sa Radyo” ni Raffy Tulfo, inilantad ni Kadean Paz, 34 na ngayon, na hindi totoong ni-rape siya ni Da Silva.

Aniya, na-pressure lang siya dahil maraming kumakausap sa kanya noon pati umano pamilya niya.

Ang ate niya diumano at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nag-initiate ng kasong rape at nalaman na lang niya ito nang maisampa na ang kaso.

Nagpadala raw siya ng sulat kay Da Silva at humingi siya ng tawad sa nangyari.

Batay sa sulat, gusto niyang mapawalang-sala si Da Silva.

Nang tanungin ni Tulfo kung hindi ba nito binabawi ang akusasyong panggagahasa ni Da Silva, sinabi ni Paz na: “Binabawi ko po. ‘Yun pong part na ‘yun hindi po totoo ‘yun, sila lang po, ‘yung mga authorities lang po ‘yung mga taong pumalibot na lang po sa akin ang nag-input po sa akin na ‘yun ‘yung ginawa, ‘yun ‘yung nangyari pero ako kasi sabihin na nating bata ako noon 14 years old pero I think I am capable enough to think that… what forced and what’s not. And it wasn’t happen by forced.”

Sinubukan daw niya noong iurong ang kaso pero marami raw consequences na sinasabi sa kanya at dinala pa raw siya sa DSWD.

Nag-ugat ang insidente nang may mangyaring gulo sa kanilang bahay kung saan lasing si Da Silva at nasa police station sila.

Ayaw na raw ng ate niyang bumalik si Da Silva sa kanila.

Magugunitang hinatulan si Da Silva ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong matapos mapatunayan ng Pasig City Regional Trial Court na guilty siya sa 15 counts ng rape.

Inaresto siya noong 2002 dahil sa diumano’y panghahalay sa 14-anyos na anak ng kanyang live-in partner. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.