Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kastila silat kay Eala

0 204

Naghasik ng bagsik sa opening round ng International Tennis Federation (ITF) Women’s World Tour W15 Manacor tournament third leg si Alexandra ‘Alex’ Eala Miyerkoles ng gabi sa Mallorca, Spain.

Sopresang dinemolis ng 15-year-old Pinay tennis sensation ,ITF world junior girls No. 3 at Women’s Tennis Association (WTA) world No. 942 sa first round ang 20-anyos na ITF 52nd at WTA 619th Spanish na si Ana Lantigua dela Nuez , 6-0, 6-2.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Dinomina agad ng Quezon City native, Globe Amabassadress at Rafael Nadal Scholar ang opening set, at bahagya pang pinaporma ang Kasila sa second para straight set win upang umabante ang junior reserve entry sa Last 16.

Kakapamayagpag lang lang ni Eala sa first leg ng kompetisyong ito para sa una niyang pro career title, at umabot ng quarterfinals sa second leg nitong January sa pagsopresa rin sa mga angat sa kanya sa WTA, edad at taas.

Ang senaryo’y nag-akyat sa kanya ng 248 baitang sa WTA rankings. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.