Abante Tonite Interactive

Kasunduan ng PH, China kailangan para sa Sampaguita gas-to-power project

By
217

Umaasa ang isang kongresista na may mapagkakayariang kasunduan o “modus vivendi” sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay sa pagpapaunlad ng Sampaguita natural gas sa Palawan.

“The Sampaguita gas discovery is vital to our future energy security. It has become absolutely imperative for us to quickly develop Sampaguita, before Malampaya’s gas production starts to fall off in 2024,” pahayag kahapon ni Senior Deputy Minority Leader at Buhay Rep. Lito Atienza.

“We really wish that the Philippines and China, through effective diplomacy, can arrive at a mutually acceptable ­arrangement that would expedite the resumption of all work around Sampaguita,” dagdag nito.

Sa kasalukuyan aniya, ang 16 taon ng Malampaya deepwater gas-to-power project ay nakakalikha pa ng 3,400 megawatts (MW) na kuryente para sa Luzon grid. Pero batay sa mga opisyal ng Department of Energy (DOE), pagsapit ng taong 2024 ay one-third na lamang ng kasalukuyang kapasidad ang maibubugang gas output ng Malampaya.