Abante Tonite Interactive

Kasunod ng ngalngal, Embiid gaganti

0 321

Puno ng emosyon ang Game 7 sa pagitan ng Toronto Raptors at Philadelphia 76ers Linggo ng gabi.

Natalo ang 76ers 92-90 sa tira sa buzzer ni Kawhi Leonard na apat na beses tumalbog sa rim bago nahulog sa net.

Walang lumamang ng lima mula kalagitnaan ng third quarter hanggang final margin.

Si Philly big man Joel Embiid, hindi itinago ang nararamdaman.

Palabas ng court ay umiiyak ang 25-anyos na center, hanggang masalubong sa tunnel ang girlfriend na si Anne de Paula. Nagyakap muna ang dalawa, hawak ni De Paula ang ulo ng 7-footer na boyfriend. Pagpasok sa locker room, napatingala si Embiid na parang naghahanap ng sagot sa pinakamasagwang talo ng career.

Buong season, sa playoffs hanggang sa final game, binuhos ni Embiid lahat ng lakas. Kahit ang nananakit na tuhod at masakit na tiyan, hindi siya napigil sa paglalaro.

Tapos matatalo.

Natanong si Embiid kung saan na ang team sa ‘The Process’ ng 76ers – ang mantra nila habang ilang napagtatalo ng ilang seasons, nanguna sa lottery at nag-ipon ng top picks. Dalawang blockbuster trades pa ang ikinasa.

“I don’t give a damn about The Process,” singhal ni Embiid. (VE)