Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kat gustong mag-USTe

0 316

Isa sa mga nag-ingay para sa Ateneo Lady Eagles sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang volleybelle na si Katrina Mae ‘Kat’ Tolentino.

Pero kung bibigyan ng pagkakataong makapamili ng iba pang mapaglalaruan bukod sa ADMU-Quezon City, sa España ang gusto ng Premier Volleyball League (PVL) star.

“Maybe, I will say UST as a safe answer,” bulas ng 25 taong gulang, 6-2 ang tangkad na dalaga sa Tiebreaker Vodcast: So She Did!” nitong Martes ng gabi.

Ang rasong second choice niya ang Golden Tigresses ay dahil sa University of Santo Tomas nagsipag-aral ang halos lahat ng kanyang angkan.

“Because that’s where my parents went, so that’s safe and a lot of like, my relatives went to UST,” kwento pa ng Fil-Canadianna, isa sa key player ng Katipunan-based at napabilang sa Ateneo class 2014 Fab Five .

Nagkamada siya ng isang championship sa UAAP Season 81 2019 women’s volleyball tournament.

Sa ngayon nasa Vancouver muna si Kat sa Vancouver at nakatakdang bumalik sa ‘Pinas para maglaro sa Choco Mucho Flying Titans sa 4th PVL 2020. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.