Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kat kumasa sa hamon

0 213

Game o buong tapang na hinarap ni Premier Volleyball League (PVL) star Katrina Mae ‘Kat’ Tolentino ang isang kakaibang volleyball challenge.

Ito ay matapos niyang ipasilip sa social media ang pagsabak sa isang hamon na kailangang naka-hodie jacket habang patuloy na binu-bump ang bola sa ere.

Kahit tanyag at isa sa mahusay na balibolista, kitang napalaban ang Fil-Canadian sa Instagram post niya dahil ilang beses pumalya bago tuluyang nakaraos.

Dahil alam na kung paano magwagi, nagbigay siya ng tips para malamapasan ang challenge.

Una aniya, huwag gumamit ng zip-jacket, pangalawa ingatan ang mukha, umiwas sa nakakasilaw na araw at panghuli ay ‘wag sumuko kahit maraming nanonood.

Kabilang ang 25-year-old, 6-foot-2 opposite hitter ng Choco Flying Titans at Ateneo Lady Eagles sa hindi mabuksang 4th PVL 2020 at nabulilyasong UAAP Season 82 2019-20 dahil sa COVID-19.

Nagpasya si Tolentino na umuwi na lang muna sa kanilang tahanan sa Vancouver, Canada at babalik na lang sa ‘Pinas oras na magsimula na ang PVL. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.