Abante Tonite Interactive

Katabaan, pagiging single sanhi ng Christmas blues

182

May mga tao na naman ang pansamantalang makakaranas ng holiday blues dahil sa katabaan at pagiging single.

“Uy, ang taba mo na!” “Kailan ka mag-aasawa?” “Wala ka pa bang jowa?” ang ilan sa mga sanhi ng holiday blues na malimit na usapan sa mga Christmas party at reunion.

Ayon kay Frances Prescilla Cuevas, chief health officer nf Department of Health-National Mental Health Program, na tuwing sasapit ang panahon ng Christmas season, mas nakakaranas ng holiday blues o pansamantalang nakakaramdam ng anxiety o kalungkutan.

“They push you to some unrealistic situations [to a point] that you question your own worth,” ayon kay Cuevas.

Sa Pilipinas, nakaugalian nang batiin ang mga kamag-anak na matagal na nikang hindi nakikita .

“The bottom line is families should support each other,’’ ani Cuevas at dapat na hindi itanong ‘yung mga katanungan na maaring paghugutan ng holiday blues.

Isa pa umano sa nagpapalala ng holiday blues ay hindi maabot ng mga inaasam sa buhay.

Ayon kay Cuevas, sa kabila na isinasaaayos pa ang kanilang mental health registry, may mga report na ang kasong suicide ay tumataas kapag ho­liday season.

Lumalala umano ang nararanasan na anxiety o depresyon kapag panahon ng Kapaskuhan

Kailangan umanong maging aware ang lahat sa mga warning sign mula sa mga kaibigan o kapamil­ya sa mga taong dumaranas ng depresyon.

Maari umanong tumuwag sa National Center for Mental Health at 0917-899-USAP (8727) or 989-8727 kung may nais itanong o isangguni tungkol sa isyu ng mental health. (Juliet de Loza-Cudia)