Abante Tonite Interactive

Katakawan ni Gloria sa pork idinepensa ng kaalyado

By
0 154

Ipinagtanggol ng kaalyadong mambabatas ang liderato ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-­Arroyo matapos punahin ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang mga mambabatas sa Kamara hinggil sa isyu ng pork barrel.

Sabi ni House Deputy Speaker at Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay, ang pork aniya na ­laging tinatawag ng senador na masama ay mga proyekto na pinaglalaanan ng pondo ng mga kongresista para maisakatuparan ang mga ipinangako sa kanilang kababayan.

Kung hindi aniya sila maglalaan ng mga proyekto sa kanilang distrito ay hindi sila karapat-dapat na maging kinatawan.

Nauna nang pinuna ni Lacson ang mga ‘insertion’ sa 2019 national budget na niratipikahan ng bicameral conference committee.

Inilutang din ng senador na puwedeng iakyat sa Supreme Court ang usapin para mahimay ang mga nakaipit na pork barrel sa budget na una nang dinesisyunan ng mga mahistrado na unconstitutional.