Abante Tonite Interactive

Kataksilan ng male celebrity pinagkakitaan ni misis

By
2,785

Mautak din ang misis ng isang kilalang-kilalang male personality. Pinagkakakitaan niya ang pagiging playboy ng kanyang mister. Kapag nahuhuli niya ang pambababae ng kanyang asawa ay siguradong siya ang panalo sa laban, may nakahati nga siya sa puso ng mister niya, pero nananagana naman siya sa mga materyal na bagay.

Natural, susuyuin siya ng husband niya, nabuking niya kasi ang pambababae nito, pero hindi nagpapadala sa sorry lang ang misis ng sikat na personalidad, kailangang makapag-shopping siya nang bonggang-bongga.

Kuwento ng aming source, “Ayaw niya naman siyempreng magkaroon ng kahati sa mister niya, pero dahil ganu’n na nga ang nangyayari, pinagkakakitaan niya ang pangangaliwa ng mister niya!

“Milyun-milyong halaga ng mga alahas ang nakakapalit ng pangangaliwa ng mister niya, shopping kung shopping ang ginagawa niya, lahat ng branded stuff, binibili niya!

“Walang choice ang asawa niya kundi ang bayaran ang card na ginagamit niya sa pagsi-shopping. Pay kung pay siya sa mga alaherang pinagkukunan ng mga je­welry ng misis niya!

“Sabi siguro ng misis niya, ‘Nagpapakasarap ka sa kandungan ng iba, puwes, magdusa ka sa pagbabayad ng mga ipinangsi-shopping ko!’ Pero nu’n pa ‘yun, ngayon, e, wala nang ganu’ng scenario, dahil nagbago na ang mister niya!” tawa nang tawang pag-alala ng aming impormante.

Tapos na nga ang maliligayang araw ng mga babaeng nauugnay nu’n sa sikat na male personality. Napaka-generous kasi nito, konting lambing lang ng girl, bumibigay na agad ang bulsa ng lalaking personalidad.

Isang buong pamilya ang itinaguyod nito nang maging magkarelasyon sila ng isang aktres, bahay at lupa ang ibi­nigay nito sa isang sexy actress, at maraming-marami pang ibang kuwento.

Pero ngayon ay tapos na ang kanyang pambababae. Umiiwas na ang male personality sa mga tukso, diretso na ang kanyang buhay ngayon, na ikinaligaya naman ng kanyang misis.

Pak, ganern! Pak, pak, ganern!

Dennis, ‘wag makigulo kina Joshua at Julia

Hinusgahan si Dennis Padilla ng kanyang nakaraan. Mara­ming tagahanga ng maga­ling na aktor na si Joshua Garcia ang nagbabalik kay Dennis ng salitang, “Look, who’s talking!”

Sa kuwentong may ibang babaeng in-entertain si Jo­shua habang magkarelasyon sila ng anak ni Dennis na si Julia Barretto ay nagsalita ang komedyante. Huwag na raw nitong sasaktan pa uli ang kanyang anak dahil magiging action star na siya at hindi komedyante.

Natural, nabulabog ang kampo ni Joshua, para raw kasing pagbabanta ang mga ipinahayag ni Dennis. Nagbalik-alaala ang marami sa aksiyong ipinakita ni Dennis Padilla.

Sabi ng isang nagmamalasakit kay Joshua, “Ganu’n? E, ano ba ang na­ging dahilan kung bakit siya hiniwalayan ni Marjorie? ‘Di ba, ‘yung pagpapakasal na pala niya sa ibang babae, pero pilit pa rin niyang itinatago?

“Hello naman! Kung makapagsalita naman siya tungkol kay Joshua, e, parang wala siyang nakaraang kuwento! Nag-break lang sina Joshua at Julia dahil sa mga tsismis, ganyan na agad ang mga sinasabi niya?

“Hello! Baka naman gustong manalamin ni Mr. Dennis! Part ng buhay ng mga bagets ang mga ganyang misunderstanding, kaya huwag na niyang palakihin pa ang issue! Huwag na siyang makigulo pa!” pahayag ng isang impormante.

May punto naman ang mga nagbibigay ng opinyon, may kuwento kasi ang nakaraang relasyon nina Dennis at Marjorie na mas ma­tindi pa nga kung tutuusin, dahil nasa wastong edad na sila.