Abante Tonite Interactive

Katarina arriba sa pagbibilad ng katawan

500

Arriba! Arriba Katarina! ‘Yan ang dapat na itawag kay Katarina sa walang patlang niyang pagbalandra ng kanyang kaseksihan sa social media.

Sa lahat ng mga beauty queen sa panahon ngayon, isa si Katarina sa iilan na hindi nauubusan ng mga sexy posting sa social media, partikular na sa Instagram.

Kung isang isda si Katarina, maihahalintulad ito sa daing na laging nakabilad sa araw, gaya ng mga kapwa niyang bikini beauties na sina Rachel Peters at Josie Prendergast na parehong nasa Siagao.

Buti na lang, napakaganda at napaka-sexy ni Katarina. Malinamnam nang bonggang-bongga sa paningin ng mga kalalakihan ang kanyang kaseksihan.

Sa panahon ngayon ng taglamig at sunod-sunod na pag-ulan dulot ng bagyo, nagdudulot naman ng apoy ang alindog ng dalaga sa nakakatukso nitong kaseksihan.

Palaban at walang pakialam ang impression na naiiwan ni Katarina sa kanyang mga supporter sa tuwing magpu-post ito ng kahubaran niya.

Inspirasyon din siya ng mga babaeng nababalutan ng hiya sa katawan, kahit meron namang ipapakita ang mga ito. (Rey Pumaloy)