Abante Tonite Interactive

Katarina bumakat ang ‘hiyas’

11,621

Cleavage, puwet, singit, ilan lang sa labanan at patalbugan ng mga female celebrities sa social media. Pero kung patambukan at pabakatan lang naman ang karera, frontliner na agad ang beauty queen na si Katarina.

Mistulang alsadong tinapay na bagong salang sa pugon ang “kayamanan” ni Katarina sa pinaka-latest bikini post nito sa Instagram.

Sa suot nitong pomelo color one piece bathing suit, hulmang-hulma ang tambok ng dalaga na nakabalandra sa social media.

‘Pag ganito na ang view na masisilip ng male netizen sa Instagram, asahang mananabik agad sila.

Hindi lang naman kasi ang kanyang tambok ang hinahangaan sa Reyna ng Kagandahan, kundi ang kabuuang katauhan nito, at ang lahat ng mga achievements nito sa buhay. (Rey Pumaloy)