Abante Tonite Interactive

Katarina kakaiba ang karisma

0 357

By Rey Pumaloy

Hindi na mawawala pa kay Katarina Rodriguez ang sexy-feel sa kanyang sistema. Kahit anong panahon at kahit nasaan pa siya, ilalabas at ilalabas niya ang katangian niyang ito.

Mula pa nang makilala si Katarina bilang beauty queen, nagsimula na siyang ipatikim sa buong mundo ang kanyang alindog.

Abante Hiring – IT dep

Nagpipiyesta ang kalalakihan at kababaihan sa ganda ni Katarina.

Mas lalo siyang na-engganyo na ilabas ang kanyang karisma sa social media partikular na sa Instagram.

Hindi man nanalo sa Miss World last year, ayaw pa ring paawat ang beauty queen-model-VJ sa pagpapaseksi sa socmed.

Siguradong ang mga lalakeng dumadaan sa depresyon ay saglit na makakalimot kapag natingnan ang kanyang alindog.

Gumagaan ang pakiramdam nila kahit saglit sa pagkakatunghay sa kanyang seksing larawan.

Ang mga babae naman, nabubuhayan ng pag-asang maging gaya niya kaseksi.

Nagkakaroon din ng drive ang iba pang mga kababaihan na magkaroon ng confidence sa kanilang sarili. Keri nilang ipamukha sa mga nanakit ng kanilang puso na hindi sila kawalan.