Abante Tonite Interactive

Katarina masarap katabi sa kama

303

Hanep ang taglay na sex appeal ni Katarina Rodriguez. Sa Instagram post niya kamakailan habang nasa isang resort sa Siargao, masisilip ang nakakauhaw niyang kaseksihan nang nag-selfie siya sa harap ng salamin.

Hawak ang isang cute na tuta, pamatay ang porma at makurbang katawan ng dalaga sa suot niyang two-piece brown bikini.

Si Katarina ay isang Fil-Am MTV-VJ, athlete, model, at beauty queen. Una siyang nakilala ng madla nang makakuha ng 3rd place sa Asia’s Top Model noong 2014.

Balitang naging boyfriend noon ni Katarina si Javi Benitez na contract artist sa ABS-CBN’s Star Magic.

Ang tipo ni Katarina ay isang babaeng kompletos-rekados. Hindi lang kasi ganda at kaseksihan ang kanyang maipagmamalaki, napaka-talented din kasi ng 27 year old na dalaga.

Siguradong maraming kalalakihan ang maninigas ang leeg kay Katarina dahil sa kalilingon sa kanyang agaw-pansing alindog, lalo na kung nakasuot ng sexy outfit ang dalaga.

Sa taglay na kariktan ni Katarina, hindi nakapagtataka kung maraming barako ang magpapantasya sa dalaga bilang isang partner na masarap katabi sa kama. (Nonie Nicasio)