Abante Tonite Interactive

Katarungan para kay Vice Mayor Alex Lubigan

By
2,290

Noong ika-7 ng Hul­yo ay nagpighati ang buong sambayanang Caviteño dahil sa brutal na pagpaslang kay Trece Martires City Vice Mayor Alex Lubigan. Dalawang araw matapos ang insi­dente ay agad na binuo ang Task Force Lubigan sa pamumuno ng Provincial PNP katuwang ang Regional PNP.

Ayon sa PNP, may tatlong hini­hinalang suspek sa pagpatay at pangunahing nakikitang anggulo ng pagpaslang ay politika. Tinitingnan din ang anggulong negosyo at personal ngunit mas matimbang ang pampolitikang rason sa pamamaslang lalo na’t wala naman sa listahan ng drug list ang pangalan ni Vice Mayor Lubigan.

Si Vice Mayor Alex Lubigan ay nasa kanyang ikatlong termino sa ngayon at nagnanais na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa dara­ting na halalan sa Mayo 2019. Nitong Lunes, ika-9 Hulyo, ay nakatakda sanang ipahayag sa publiko ni Vice Mayor Lubigan ang kanyang hangaring tumakbo suba­lit hindi na siya nabigyan ng pagkakataon na gawin ito.

Ayon sa mga paha­yag ni Calabarzon police director Chief Superintendent Edward Carranza, maging ang pamilya ni Vice Mayor Lubigan ay naniniwalang politika ang pangunahing motibo sa pagkamatay nito.

Nangako ang PNP-Cala­barzon at PNP-Cavite sa pangu­nguna ni provincial police chief Se­nior Supe­rintendent William Se­gun na hindi titigil ang imbestigasyon at mamada­liin pa ito para kagyat na matukoy ang nasa likod ng pamamaril. Nasa full alert status naman ngayon ang buong kapulisan sa lalawigan at sa buong rehiyon ng Calabarzon dahil sa magkasunod na pangyaya­ring pamamaril kay Ta­nauan Mayor Halili at Vice Mayor Lubigan sa loob ng isang linggo.

Ang buong pamunuan ng Panlalawigang Pamahalaan ng Cavite ay nakikiramay sa pamilya, kamag-anak at mahal sa buhay ni Vice Ma­yor Lubigan.

Hindi kailangang palagpasin ang pangyayaring ito. Ang sinuman na nasa likod ng insidenteng ito ay dapat managot sa batas. Anuman ang dahilan ng pamamaril, kailangang mabigyan ng kataru­ngan ang marahas na pagpatay sa kanya.

Hindi man maiba­balik ang buhay ng pumanaw na kaibigan, marami namang alaala ang kanyang iniwan sa Lungsod ng Trece Martires. Nanilbihan sa matagal na panahon bilang isa sa mga mahusay at respetadong public servant sa lalawigan. Kapwa ko lehislador si Vice Mayor Lubigan at hindi matatawaran ang kanyang ga­ling sa paglikha ng mga makabuluhang resolus­yon at ordinansa para sa ating kababayan.

Anuman ang dahilan ng pagpatay kay Vice Mayor Lubigan, ang mga ganitong klase ng karahasan ay dapat mati­gil na. Hindi lamang sa hanay ng mga lingkod bayan at maging sa ma­lawak na hanay ng ating mamamayang Caviteño.

Wakasan ang karaha­san at panatilihin ang kapayapaan. Ang lahat ng ito ay ating makakamtan dahil sa ‘nagkakaisang Cavite, walang imposible!’

Katarungan para kay Vice Mayor Alex Lubigan!

Itigil ang mga pampolitikang pamamaslang!