Abante Tonite Interactive

Katawan ng lady solon, nilangaw

936

Sino daw itong mambabatas ang nilangaw ang kanyang post sa social media hinggil sa dating kurbada ng kanyang katawan?

Sa natisod na info ng Tonite, ipinaskil daw ng mambabatas sa Twitter ang dating porma ng kanyang katawan noong kanyang kabataan pa.

Kita sa lawaran na naka-one piece lang ang hitad sa Boracay Island na mukhang kinunan may ilang dekada na ang nakaraan.

Gusto daw kasing ipakita ng mambabatas ang kagandahan ng Boracay noong unang panahon.

Matumal naman ang nag-like sa post ng mambabatas, marahil ay hindi masikmura ang porma ng katawan ng lady solon na nagmistula tuloy photobomber sa kagandahan ng Boracay.

Hindi naman daw affected ang lola kung di bumenta ang pagbibilad niya ng katawan, at least ay naipakita niya ang kanyang katapangan sa mga nanlalait.

Clue: Ang mambabatas na hindi pumatok ang pagbalandra ng katawan sa social media ay hindi kagandahan. May letrang B sa kanyang pangalan as in Brown.