Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Katawan ni Hayden exclusive kay Vicki

0 136

Sa Instagram post, ipinost ni Hayden Kho ang larawan kasama ang ultimate hunk na si Piolo Pascual.

Nakahubad si Papa P at naka-display ang matipunong abs.

Caption ni Doc Hayden: “I’ll keep my shirt on for your sake@piolo_pascual”

Nagpasalamat naman si Piolo sa pagbisita ng celebrity doctor sa lugar ng aktor sa Batangas.

Hirit naman ng mga netizen, kung maghuhubad si Hayden, kaya nitong kabugin sa kaseksihan ni Piolo.

Nagkomento naman si Dr.Vicki Belo sa post ng asawa.

Aniya: “Yup, your body is only for me@dochayden.”

Marami naman ang kinilig sa naging emote ng doktora.

Ian nanganib ang buhay

Viral ang kumalat na video ni Ian Veneracion na nakapukaw ng atensyon ng mga netizen.

Ipinakita kasi sa video ang pagpapalipad niya ng parajet kasama ang kaibigan niyang si Buko Raymundo,isang cameraman at outdoor sports enthusiast.

Sa nasabing clip, sinabi ng actor sa kanyang kaibigan na naubusan sila ng gasolina.

“Wala na, wala na. Fuel wala na,” sey ni Ian.

Nag-react naman si Buko na: “Galingan mo ha. Promise?”

“My scared passenger @bukopie. NO MORE FUEL!!!” bulalas ni Ian.

Marami namang netizen ang nenerbiyos sa extreme sports ng actor.

Hindi raw biro ang ginagawa nito at namemeligro pati ang buhay.

Ito naman ang samut-saring reaksyon ng netizens sa kanyang death-defying act.

“Wow nakakatakot na parang sarap sa pakiramdam..ingats po kayo”

“Natatawa ako na ninenerbyos while watching this”

“ingat poh”

“nku po papa ian..he is really scared…..baka malunod kpg nhulog hahahaa”

“Oh my God….speechless…bravo. nice landing”

Ai Ai binuking na kuripot ang mister

Mr.Law of Attraction kung tawagin ni Ai Ai delas Alas ang kanyang mister na si Gerald Sibayan.

Masaya rin ang komedyana dahil nagbubunga na ang pagiging entrePinoy nito.

Sa kanyang sariling sikap ay nakabili na ito ng kanyang paboritong sasakyang Mercedes Benz na mula mismo sa kanyang ipon.

Ani Ai Ai, pumayag daw siyang bilhin nito ang fave car dahil deserved daw naman ito ng kanyang asawa.

Hirit pa niya, nakita raw niya kung paano ito

maghirap at magpuyat araw-araw para sa presentation nito sa kanilang mga bagong franchise sa food business.

Pero, kamakailan, humirit ito kay Ai Ai ng pang-load.

Pang-ookray naman ni Ai Ai, bakit wala raw pang-load ito gayong may pang-gasolina naman daw.

Paliwanag naman ni Gerald, iba raw naman ang karga ng kotse at load ng cellphone.

Sey naman ni Ai Ai, ano raw ba ang bagong pinag-iipunan ng mister at nuknukan ito nang kuripot.

Nagpaalala naman si Ai Ai na huwag siyang kalimutang bayaran ng mister.

Leave A Reply

Your email address will not be published.