Abante Tonite Interactive

Katayan ng Megga Foods sa San Juan kinandado

314

Ipinasara ni San Juan City Mayor Francis ­Zamora ang isang ­malaking katayan sa kanilang lungsod matapos makitaan ng paglabag sa sanitasyon at kalinisan ang puwesto nito.

Ayon sa alkalde, luma­bag sa Republic Act No. 9275 o Clean Water Act of 2004 ang katayan ng Megga Foods and Stock Farm Inc. matapos mabatid na paso na o expired ang wastewater discharge permit at sanitary permit nito.

“Binigyan namin sila hanggang January 31 para mag-renew na sila pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagre-renew. Kaya sa araw na ito ay isasara na namin ang slaughter house na ito. Iyan ang legal process,” ani Zamora.

Sa ginanap na press conference ni Zamora nitong Lunes, kasama sina Department of Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu at Mandaluyong City Mayor Menchie Aba­los, isiniwalat nito ang mga kababuyang nagaganap sa isang natu­rang katayan na matatagpuan sa Brgy. Kabayanan na bumagsak sa multiple physical and chemical analysis.

Nabatid na una nang nag-isyu ng notice of ­violation laban sa kata­yan noong nakaraang taon kung saan ay nangako umano ang Megga Stock Farm Inc. na aayusin ang kanilang wastewater faci­lity. (Vick Aquino)